PNP: Lotto operators pwede nang tanggalin ang ‘closed’ signs sa kanilang outlet
Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na maaari nang tanggalin ng mga operator ng Lotto sakaling may “closed” sign sa kanilang outlet.
Ito ay matapos na tanggalin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon sa Lotto operations Martes ng gabi.
Pahayag ito ni PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac kasunod ng pahayag ng Malakanyang kaugnay ng resumption o pagpapatuloy ng operasyon ng Lotto.
Ayon kay Banac, inutusan ni PNP chief Oscar Albayalde ang lahat ng police units na pumunta sa mga Lotto outlets at tulungan ang mga operator o may-ari na magtanggal ng mga closed sign kung kailangan.
Una nang sinabi ng Palasyo na walang nakitang anomalya sa operasyon ng Lotto.
Gayunman, suspendido pa rin ang ibang PCSO games gaya ng small town lottery (STL), Keno at Peryahan ng Bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.