4 arestado sa buy-bust operation sa Quezon City

By Rhommel Balasbas July 31, 2019 - 04:40 AM

Arestado ang apat na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. San Martin de Porres, Cubao, Quezon City, alas-11:00 Martes ng gabi.

Napag-alamang dati nang nakulong ang tatlo sa apat na suspek dahil pa rin sa droga.

Ayon kay Cubao Police Station commander Lieutenant Colonel Giovanni Caliao, positibong nabilhan ng P300 na halaga ng shabu ang mga suspek.

Bukod sa pagbebenta ng droga, natyempuhan pa ng mga pulis na bumabatak ang mga suspek.

Nakuha mula sa mga ito ang 25 sachet ng shabu at isang sachet ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P13,000.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: bumabatak, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Droga, quezon city, bumabatak, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Droga, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.