Guimaras, isinailalim na sa state of calamity dahil sa dengue
Isainailalim na sa state of calamity ang buong probinsya ng Guimaras dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue.
Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan sa sesyon kahapon, July 30 ang deklarasyon para sa state of calamity.
Layon ng deklarasyon na magamit ang 5 percent ng kabuuang 2019 budget ng lalawigan bilang Quick Response Fund para masugpo ang Dengue.
Mula January 1 hanggang July 20, 2019, umabot na sa 893 ang kaso ng Dengue sa Guimaras, mas mataas ng 1,439.7 percent kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong 2018 na may 58 na kaso lamang.
Apat na ang nasawi dahil sa dengue sa lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.