Mga Pilipino sa Hong Kong pinag-iingat ng DFA

By Len Montaño July 31, 2019 - 03:26 AM

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipino sa Hong Kong na mag-ingat sa gitna ng kaguluhan sa bansa.

Sa DFA Public Advisory araw ng Martes, sinabihan ang mga Pinoy na papunta o naroon na sa Hong Kong na umiwas sa mga lugar kung saan mayroong protesta.

Hinikayat ng ahensya ang mga Pinoy sa Hong Kong na imonitor ang mga anunsyo ng gobyerno at sumunod sa utos ng mga otoridad.

Ayon pa sa DFA, dapat na sa legitimate media entities at news sources lamang makibalita ang mga Pilipino.

Nanatili ang bukas na komunikasyon ng Philippine Consulate General sa Hong Kong government.

Para sa agarang tulong, maaaring tumawag sa Consulate General, Philippine Overseas Labor Office at Overseas Workers Welfare Administration.

TAGS: DFA, Hong Kong, legitimate media entities, mag-ingat, news sources, Philippine Consulate General, Pilipino, protesta, DFA, Hong Kong, legitimate media entities, mag-ingat, news sources, Philippine Consulate General, Pilipino, protesta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.