1 lalaki, napaaway dahil sa paputok sa Mandaluyong City

mandaluyong mapKamuntik nang mamatay ang isang lalaki matapos siyang kuyugin at atakihin ng kaniyang mga kapit-bahay sa Mandaluyong City nang sawayin niya ang isa sa mga ito dahil sa pagpapaputok.

Nasa ospital pa rin si Paul Christian Velardo sa Mandaluyong City Medical Center dahil sa mga natamo nitong sugat sa ulo, braso at balikat nang kuyugin siya ng magkapatid na sina Norberto at Danilo Orcajada, Ino Talde at dalawa pang hindi pa nakikilalang kalalakihan gamit ang kutsilyo at bolo.

Naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa Welfareville sa Barangay Addition Hills nang sitahin ni Velardo ang mga nasabing kapitbahay na naghagis ng paputok sa labas ng kaniyang bahay.

Sa halip na humingi ng paumanhin, nakipagtalo pa ang suspek kay Velardo na siyang naghudyat na pagtulungan ang biktima.

Nakatakas ang mga suspek habang nadala naman agad sa ospital si Velardo ng kaniyang mga kaanak.

Pinaghahanap na ng mga pulis ang mga suspek.

Excerpt:

Read more...