Nawawalang DPWH engineer natagpuang patay sa loob ng kotse nito sa Bulacan

By Len Montaño July 31, 2019 - 01:25 AM

Isang araw matapos maiulat na nawawala ang isang DPWH engineer, nakita itong patay sa loob ng kanyang kotse sa Baliuag, Bulacan.

Nadiskubre ang bangkay ni Engineer Al Centeno sa loob ng kotse nito.

Nakita ang biktima na nakababa ang kanyang shorts at ang t-shirt nito ay nasa loob ng kotse na naka-park sa gilid ng kalsada.

Ayon sa pulisya, walang tama ng baril o saksak o indikasyon na tinamaan ng nakakamatay na gamit ang Engineer.

Hindi rin umano nagalaw ang mga gamit sa loob ng kotse.

Iniimbestigahan kung may kinalaman sa trabaho ang pagkamatay ni Centeno.

TAGS: Baliuag, Bulacan, DPWH Engineer, Engineer Al Centeno, kotse, Natagpuang patay, nawawala, Baliuag, Bulacan, DPWH Engineer, Engineer Al Centeno, kotse, Natagpuang patay, nawawala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.