Panukalang pagbuo ng Department of Water inihain na sa Kamara
Isinulong ni Iloilo Rep. Lorenz Defensor ang panukala na naglalayong lumikha ng Department of Water Resources.
Sa ilalim ng House Bill No. 2514, pagsasamahin na sa isang departamento ang iba’t ibang opisina na may kinalaman sa tubig.
Kapag naging batas, tutugunan nito ang mga problema at titiyakin ang malinis, ligtas at sustainable na tubig para sa mga Pilipino.
Binigyang diin ni Defensor ang pangangailangang magkaroon ng Department of Water Resources kasunod ng naranasang water crisis sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Sa kasalukuyan, ang National Water Resources Board (NWRB) ay nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) habang ang Local Water Utilities Administration (LWUA) at ang National Irrigation Administration (NIA) ay nasa ilalim ng Office of the President.
Noong nakaraang Kongreso ay kabilang mismo si dating Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa mga naghain ng kahalintulad na bill pero bigong pumasa sa Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.