Matapos ang trabaho sa Senado, umaasa si dating Senador Antonio Trillanes IV na magkaroon ng mas magaan na buhay.
Sa isang panayam, sinabi ni Trillanes na nakatakda na siyang magturo sa mga college student ng University of the Philippines – Diliman at Ateneo de Manila University.
Sinabi nito na pinaghahandaan niya ang bagong trabaho bilang propesor.
Magtuturo aniya siya ng Public Policy sa UP Diliman habang inaayos pa ang ilang kurso na ituturo niya sa Ateneo.
Matatandaang bago matapos ang termino sa Senado, sinabi ni Trillanes ang planong pumasok sa pagtuturo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.