Mayor Isko magpapatayo ng hate o freedom wall sa Bonifacio Monument

By Angellic Jordan July 31, 2019 - 12:25 AM

Magpapatayo si Manila Mayor Isko Moreno ng ‘hate wall’ o ‘freedom wall’ sa Bonifacio Monument.

Sa pagsasagawa ng inspeksyon sa parke araw ng Martes, personal na nakita ng Alkalde ang mga vandalized walls at iba pang istraktura.

Ayon kay Mayor Isko, hindi niya makita ang nakukuhang kasiyahan sa hindi magandang ginagawa sa mga pader lalo na sa mga kilalang rebulto.

Dahil dito, magpapatayo na aniya ng hiwalay na pader kung saan maaaring ihayag ng sinuman ang kanilang saloobin sa iba’t ibang bagay.

Dito aniya maaring sabihin ng mga tao ang kanilang mga paniniwala.

 

TAGS: Bonifacio Monument, freedom wall, hate wall, Mayor Isko Moreno, rebulto, saloobin, vandalized walls, Bonifacio Monument, freedom wall, hate wall, Mayor Isko Moreno, rebulto, saloobin, vandalized walls

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.