PCSO hindi bubuwagin ni Duterte

Walang balak sa ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte na i-abolish ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Pahayag ito ng Palasyo matapos na unang ipatigil ng Pangulo ang gaming operations ng PCSO gaya ng Lotto, Keno, Peryahan ng Bayan at iba pa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang dahilan kaya hindi kailangan ng Pangulo na humingi ng permiso mula sa Kongreso.

Madali naman aniyang gawan ng paraan kung magpapasya ang Pangulo na tuluyang i-abolish o buwagin ang PCSO.

“Sa ngayon, wala. Kung meron man, madali nang gawan ng paraan ‘yun,” ani Panelo.

Ang PCSO ay isang government-owned and controlled corporation (GOCC) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the President.

 

Read more...