PCSO hindi bubuwagin ni Duterte

By Chona Yu July 31, 2019 - 12:02 AM

Walang balak sa ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte na i-abolish ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Pahayag ito ng Palasyo matapos na unang ipatigil ng Pangulo ang gaming operations ng PCSO gaya ng Lotto, Keno, Peryahan ng Bayan at iba pa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang dahilan kaya hindi kailangan ng Pangulo na humingi ng permiso mula sa Kongreso.

Madali naman aniyang gawan ng paraan kung magpapasya ang Pangulo na tuluyang i-abolish o buwagin ang PCSO.

“Sa ngayon, wala. Kung meron man, madali nang gawan ng paraan ‘yun,” ani Panelo.

Ang PCSO ay isang government-owned and controlled corporation (GOCC) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the President.

 

TAGS: abolish, GOCC, Kongreso, Office of the President, pcso, permiso, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, walang balak, abolish, GOCC, Kongreso, Office of the President, pcso, permiso, Presidential spokesman Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, walang balak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.