Dating konsehal itinalagang traffic czar ng Quezon City
Itinalaga ni Quezon City Mayor Joy Belmonte si Atty. Ariel Inton bilang bagong Traffic Czar ng lungsod.
Base sa Executive Order 9-2019, pangangasiwaan ni Inton ang Quezon City Task Force for Transport and Traffic Management.
Tungkulin nito na linisin ang kalsada ng buong Quezon City at tanggalin ang mga illegal infrastructure, kasama rin dito ang pamamahala at pagsusulong ng “green” transport” tulad ng electric jeeps at tricycles.
Ipatutupad ng Quezon City Task Force for Transport and Traffic Management ang Traffic Management Code at Road Safety Code sa syudad.
Nakapaloob din sa nasabing kautusan ang regulasyon sa mga tricycle, pedicabs, mga terminal ng pampublikong sasakyan, pagsasaayos ng vehicular traffic sa lahat ng lugar sa Quezon City.
Si Inton ay dating konsehal ng Quezon City at dating Board member ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.