2 babaeng wanted sa Malabon arestado

By Noel Talacay July 30, 2019 - 11:38 PM

NCRPO photo

Arestado ang dalawang babaeng wanted person ng Malabon City Police matapos ang operasyon laban sa mga suspek.

Unang nahuli si Erica Dizon, 27 anyos, may warrant of arrest sa kasong two counts sa paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o pag-isyu ng tseke na walang pondo.

Naaresto si Dizon alas 1:45 hapon ng Martes sa Barangay San Agustin Malabon City.

Bandang 5:15 naman ng hapon ay naaresto si Trixie Jhane Lazaro, 30 anyos, may warrant of arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o pag-abuso ng bata.

Nakakulong na ang dalawang suspek sa Malabon City Police Station Custodial Facility para mapanagutan ang mga kasong inihain laban sa kanila.

 

TAGS: abuso ng bata, arestado, babae, Malabon police, tseke, wanted, abuso ng bata, arestado, babae, Malabon police, tseke, wanted

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.