Matapos dapuan ng ipis, langaw naman ang pinagdiskitahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ilang beses na naantala ang talumpati ng Pangulo sa paglulunsad ng 911 TESDA sa Taguig City Martes ng gabi dahil sa umaaligid na langaw.
Ayon sa Pangulo, naligo naman siya at hindi mabaho.
Naulit pa ang pagkaantala ng pagsasalita ng Pangulo kaya nagbanta itong humanda ang langaw dahil pagkatapos ng kanyang speech ay ihahampas niya sa langaw ang kopya ng kanyang talumpati.
Maski ang inuming tubig ng Pangulo na nasa baso ay dinapuan ng langaw kaya humingi ito ng bottled water.
Matatandaan na nag-viral ang video ng Pangulo nang dapuan ng ipis ang kaniyang balikat habang nagbibigay ng talumpati sa Bohol noong May 10, 2019.
Pabirong sinabi ng Pangulo na ang Liberal Party ang nasa likod ng pagdapo ng ipis sa kanyang balikat at gumapang hanggang sa may bahagi ng kanyang dibdib.