Bagong bersyon ng Anti-Endo Bill posibleng i-certify as urgent ng pangulo

By Chona Yu July 30, 2019 - 07:59 PM

Inquirer file photo

Hindi isinasantabi Malacanang ang posibilidad na sertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong bersyon ng panukalang batas ni Senador Joel villanueva na security of tenure bill o anti-Endo bill na layong tuldukan ang illegal na kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, inatasan na ni Pangulong Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello na bumalangkas ng bagong bersyon at isumite sa kongreso.

Maari aniyang pagsamahin ang panukala ni Villanueva at ang bersyon ni Bello.

Pumalag din ang palasyo sa alegasyon ni Bayan Muna Congressman Carlos Zarate na diversionary tactic lamang ng palasyo ang utos ni Pangulong Duterte na ipasara ang gaming operations ng Philippine Charity Sweepstkaes Office (PCSO) para malihis ang atensyon ng taong bayan sa pag veto sa anti-Endo bill.

Ayon kay Panelo, isinasaaalang alang lamang ng pangulo ang kapakanan ng mga manggagawa dahil kapag nilagdan ang panukalang batas, maaring magsara ang ilang negosyo at tuluyang mawalan ng trabaho ang mga nasa labor sector.

TAGS: DOLE, endo, panelo, Urgent bill, Villanueva, DOLE, endo, panelo, Urgent bill, Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.