Palasyo, iginiit na kaya nilang ayusin ang mass transportation system

By Kathleen Betina Aenlle December 26, 2015 - 04:57 AM

mrt-0823Itinanggi ng Malakanyang ang akusasyon na walang kakayahan ang pamahalaan na solusyunan ang problema sa transportasyon partikular na ang Metro Rail Transit (MRT) 3.

Sa inilabas na pahayag ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr. sa Inquirer, patuloy ang pamahalaan sa pagsisikap na mas mapabuti ang MRT3 at ang mga pampublikong transportasyon.

Bukod dito, ipinunto pa ni Coloma na sa ilalim ng administrasyong Aquino, naaksyunan ang mga kaso ng katiwalian.

Ito ay matapos batikusin ng business consultant na si Peter Wallace ang kakayahan ng administrasyon na pamahalaan ang mass transport systems sa bansa, dahil sa madalas na pagkasira ng MRT3

Ayon naman sa Department of Transportation and Communications (DOTC), makakaranas na ng mas magaan at maayos na serbisyo ang mga pasahero, dahil simula January 5, 2016, pupunan na ng nanalong concessionaire ang general maintenance requirements ng MRT3 sa loob ng tatlong taon.

Kasama rin anila sa P3.81 bilyong halaga ng kontrata ang general overhaul ng mga tren at pagpapalit ng signaling system.

TAGS: mass transportation system, MRT 3, mass transportation system, MRT 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.