Nagkasa ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng clearing operations sa Baclaran, Martes ng umaga.
Ito ay isang araw matapos simulan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang animnapung araw na taning para sa paglilinis sa mga sagabal sa mga lansangan.
Katuwang ng MMDA sa operasyon ang pamahalaang lokal ng Pasay at Parañaque.
Nilinis ng mga otoridad ang mga kalsada sa Baclaran kabilang sa GG Cruz, Aguara, Edsa at LRT Edsa.
Tinanggal ang mga ilegal na istraktura, sasakyan at mga ilegal na nagbebenta tulad ng mga vendor sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.