Magkakaroon na ng bagong international franchise ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga!.”
Kasabay ng kanilang ika-apatnapung anibersaryo, masayang inanunsiyo nina Vic Sotto at Joey de Leon na magkakaroon na ng ‘Eat Bulaga!’ sa Myanmar.
Sa Facebook post, makikitang kasama nina Vic at Joey si Captain Aung Po ng “Eat Bulaga!” Myanmar at ibinigay ang red shirt ng noontime show.
Ayon sa caption, mararanasan na ang isang libo’t isang tuwang hatid ng noontime show.
Unang nagkaroon ng franchise ang “Eat Bulaga! sa Indonesia taong 2012.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.