Anti-death penalty advocates pinayuhan na ipagdasal ang pagbaba ng crime rate

By Erwin Aguilon July 30, 2019 - 03:59 PM

Inquirer file photo

Pinayuhan ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga kritiko ng death penalty na samahan ng dasal at aksyon para magawan ng paraan ang pagbaba ng krimen sa bansa.

Ayon kay Cayetano, naniniwala siya na malaki ang magiging impluwensya ng pagbaba ng krimen laban sa isinusulong na death penalty.

Dapat din aniya na palakasin pa ng mga otoridad ang kampanya kontra iligal na droga.

Paliwanag ni Cayetano, puspusan lang naman ang pagsusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa parusang kamatayan dahil tuluy-tuloy pa rin ang droga at krimen pero kung bababa ang crime rate sa bansa ay mababalewala ang debate sa pagbabalik ng death penalty.

Sa Kamara pa lamang hati ang mga kongresista sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

TAGS: Cayetano, Crime rate, Death Penalty, duterte, speaker, Cayetano, Crime rate, Death Penalty, duterte, speaker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.