Demolisyon sa mga presinto ng pulisya sa mga bangketa tuloy na

By Den Macaranas July 30, 2019 - 03:26 PM

Photo: Jong Manlapaz

Magpapatupad ng self-demolition ang Philippine National Police sa mga himpilan ng pulisya na nakatayo sa mga bangketa.

Sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na maglalabas siya ng direktiba sa lahat ng mga regional directors sa bansa para ipatupad ang nasabing kautusan.

Kaninang umaga ay sinimulan na ni Albayalde ang nasabing self-demolition sa pamamagitan ng pagdurog sa presinto ng San Juan Police Precinct 6 sa West Crame sa nasabing lungsod.

Ipinaliwanag ng opisyal na ito ay bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pag-reclaim sa lahat ng mga kalsada laban sa mga iligal na istraktura.

Nangako naman ang opisyal na hahanap sila ng maayos na mga lugar para doon itayo ang mga maapektuhang presinto ng pulisya.

TAGS: albayalde, demolition, police precinct, san Juan, albayalde, demolition, police precinct, san Juan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.