LTFRB officials binalasa at isasalang sa lifestyle check

By Den Macaranas July 30, 2019 - 02:56 PM

File photo

Bukod sa pagsalang sa lifestyle checks at nagpatupad rin ng reshuffles ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang mga opisyal at tauhan.

LTFRB reshuffles cashiers, relieves security guards, directs RDs to undergo lifestyle check

Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin B. Delgra III ang balasahan sa kanilan tanggapan ay bahagi ng kampanya kontra sa katiwalian.

Kasunod itiong isinagawang entrapment operation ng Anti-Red Tape Act (ARTA), Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) National Bureau of Investigation noong nakalipas na linggo na nagresulta sa pagkaka-aresto ng isang fixer sa LTFRB.

Sa kanyang inilabas na memorandum, sinabi ni Delgra na lahat ng mga opisyal at tauhan ng ahensya ay isasalang lifestyle check.

“We will undertake all necessary measures to reassure the public of LTFRB’s commitment to transparent, accountable and corruption-free service to our stakeholders. ‘Yan ang nais ni Pangulong Duterte. ‘Yan din ang mahigpit na utos ni Secretary Tugade. Wala po tayong palalampasin dito,” ayon pa sa opisyal.

Nauna nang sinabi ng Malacanang na ang LTFRB ay kanilang sa mga tanggapan ng pamahalaan na may pinaka-maraming sumbong sa mga kaso ng katiwalian.

TAGS: corruption, delgra, fixer, lifestyle check, pacc, corruption, delgra, fixer, lifestyle check, pacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.