Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi pa naman siguro maghihirap ngayon ang mga nagpapataya ng lotto, keno, peryahan ng bayan at iba pang gaming operations dahil tiyak na nakaipon sila habang tuloy ang operasyon.
Kumpiyansa si Panelo na tiyak na makaagapay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang empleyado ng PCSO na nawalan ng trabaho dahil likas ng madiskarte ang mga Filipino.
Nagbabala si Panelo na maaring malagay sa alanganin ang mga nasa gaming operations kapag pumasok sa jueteng o masiao dahil ilegal na sugal ito sa bansa.
Maari aniyang may ibibigay na tulong ang pamahalaan sa mga taga-PCSO sa mga susunod na araw.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na hindi ilegal ang utos ni Pangulong Duterte na ipasara ang gaming operations ng PCSO kahit na verbal order lamang dahil may isyu ng korapsyon.