Mga empleyado ng PCSO na nawalan ng trabaho hindi tutulungan ng gobyerno

By Chona Yu July 30, 2019 - 01:16 PM

Walang aasahang tulong mula sa gobyerno ang mga tauhan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nawalan ng trabaho dahil sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara na muna ang gaming operations dahil sa korapsyon.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi pa naman siguro maghihirap ngayon ang mga nagpapataya ng lotto, keno, peryahan ng bayan at iba pang gaming operations dahil tiyak na nakaipon sila habang tuloy ang operasyon.

Kumpiyansa si Panelo na tiyak na makaagapay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang empleyado ng PCSO na nawalan ng trabaho dahil likas ng madiskarte ang mga Filipino.

Nagbabala si Panelo na maaring malagay sa alanganin ang mga nasa gaming operations kapag pumasok sa jueteng o masiao dahil ilegal na sugal ito sa bansa.

Maari aniyang may ibibigay na tulong ang pamahalaan sa mga taga-PCSO sa mga susunod na araw.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na hindi ilegal ang utos ni Pangulong Duterte na ipasara ang gaming operations ng PCSO kahit na verbal order lamang dahil may isyu ng korapsyon.

 

TAGS: nagpapataya, nawalan ng trabaho, panelo, Pangulong Duterte, pcso, nagpapataya, nawalan ng trabaho, panelo, Pangulong Duterte, pcso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.