Sa isang panayam, sinabi ni George Chua, pangulo ng grupo, mahalagang ikonsidera hindi lamang ang interes ng mga manggagawa kundi maging ng kanilang mga employers.
Layon ng panukala na tapusin na ang contractualization o kilala bilang endo.
Pero ayon kay Chua, sa halip na makabuti ay maaaring makasama ito sa industriya at marami rin aniya ang mawawalan ng pagkakataon na maging regular na empleyado.
Ang nasabing hakbang ng pangulo ay nauna nang sinuportahan ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP).Samantala, bilang pangunahing may akda sa panukala, muling inihain ni Senator Joel Villanueva ang Security of Tenure Bill.