Pag-veto ng pangulo sa SOT sinuportahan ng manufacturing group

By Jimmy Tamayo July 30, 2019 - 12:43 PM

Suportado ng Federation of Philippine Industries (FPI) ang pag-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Security of Tenure bill.

Sa isang panayam, sinabi ni George Chua, pangulo ng grupo, mahalagang ikonsidera hindi lamang ang interes ng mga manggagawa kundi maging ng kanilang mga employers.

Layon ng panukala na tapusin na ang contractualization o kilala bilang endo.

Pero ayon kay Chua, sa halip na makabuti ay maaaring makasama ito sa industriya at marami rin aniya ang mawawalan ng pagkakataon na maging regular na empleyado.

Ang nasabing hakbang ng pangulo ay nauna nang sinuportahan ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP).Samantala, bilang pangunahing may akda sa panukala, muling inihain ni Senator Joel Villanueva ang Security of Tenure Bill.

TAGS: George Chua, Pag-veto ng pangulo sa SOT, Pangulong Duterte, Security of Tenure bill, George Chua, Pag-veto ng pangulo sa SOT, Pangulong Duterte, Security of Tenure bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.