DOLE, tinaningan ni Pangulong Duterte kaugnay sa security of tenure bill

By Ricky Brozas July 30, 2019 - 11:21 AM

Binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang Lunes ang Department of Labor and Employment (DOLE) para makapagbigay ng rekomendasyon kaugnay sa security of tenure bill.

Ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, pag-aaralan nila ang lahat mg probisyon ng panukala at saka ito ipiprisenta sa pangulo.

Kasabay nito, binigyang diin ni Bello na hindi nangangahulugan ng pagtalikod sa kanyang pangakong wakasan ang “endo” ang pag-veto ng pangulo sa security of tenure bill.

Nais lang aniyang makatiyak ng pangulo na ang maipapasang batas ay tunay na magiging kapakinabangan at papabor sa mga manggagawa habang binibigyan naman ng konsiderasyon ang mga nasa business sector.

Ito rin aniya ang dahilan kaya nagpatawag ng LEDAC meeting si Pangulong Duterte para hindi na maulit ang pangyayari sa nakaraan na na-veto ng pangulo ang isang panukala.

TAGS: DOLE, endo, Labor Secretary Silvestre Bello III, pag-veto ng pangulo, Pangulong Duterte, Security of Tenure bill, DOLE, endo, Labor Secretary Silvestre Bello III, pag-veto ng pangulo, Pangulong Duterte, Security of Tenure bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.