Communication system project para sa panahon ng kalamidad, nais pasimulan ni Pangulong Duterte bago matapos ang taon
Tinatarget ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng sariling communication system ang pamahalaan na magagamit sa panahon ng kalamidad.
Ito ay para hindi na umasa ang taong bayan sa duopoly ng Globe at Smart Telecommunications.
Dismayado ang pangulo dahil tuwing may tumatama na kalamidad, pahirapan ang pagkuha ng signal.
Ginawa ng pangulo ang pahayag matapos ang pagbisita sa Batanes na tinamaan ng malakas na lindol.
Nais ng pangulo na ang militar at pulis na manguna sa pagtatayo ng sariling communication project.
Gayunman hindi na nagbigay ng dagdag na detalye ang pangulo kaugnay sa ikinakasang proyekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.