Disaster response ships inihirit ni Senator Sonny Angara
Sa nangyaring lindol sa Batanes, sinabi ni Senator Sonny Angara muling lumutang ang mga hamon kaya’t aniya dapat na talagang bumuo ng Department of Disaster Resilience.
Ayon kay Angara sa isang bansa gaya ng Pilipinas na isang archipelago at madalas mabisita ng mga kalamidad napakahalaga ng pagkakaroon ng disaster response ships.
Katwiran nito kung napinsala ang airport at mga kalsada, ang tanging paraan para sa paghahatid tulong ay sa pamamagitan ng dagat.
Dagdag pa nito na mas malaki ang kapasidad ng mga barko kumpara sa mga eroplano at truck.
Ipinunto din ng senador ang kawalan ng localized emergency text system na aniya ay ayon sa RA 10639 o ang Free Mobile Disaster Alerts Act kung saan dapat ay nagpapadala ng abiso ukol sa kalamidad ang mga mobile service providers.
Kailangan din, ayon pa kay Angara, na pondohan na rin ng gobyerno ang pagsasa-ayos ng ng mga heritage and historical sites kapag ang mga ito ay napinsala sa kalamidad.
Pagdiiin nito ang mga puntong ito ay maisasa-ayos kapag may Department of Disaster Resilience sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.