Information campaign isasagawa ng CBCP laban sa isinusulong na death penalty sa Kongreso

By Ricky Brozas July 30, 2019 - 09:08 AM

Nakatitiyak ang pamunuan ng Catholic Bishops Conference Philippines (CBCP) na mabilis na makapapasa sa Kongreso ang parusang bitay na isinusulong ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa lingguhang forum na Tapatan, sinabi ni Rodolfo Diamante, ang executive director ng CBCP-Episcopal Commission on Pastoral Care, na isang usaping politikal ang isyung nakalatag sa kongreso kung saan mayroong malawak na political allies ang Pangulo.

Sa Senado aniya ay 17 mula sa 24 na Senador ang tiyak na magpapatibay sa death law habang ang super majority naman sa Kamara ang tatango sa nasabing panukala.

Sa gitna nito, iginiit ni Diamante na patuloy silang magsasagawa ng information campaign upang mapaliwanagan ang mga mamamayan.

Nakapagsimula na sa Mindanao at itutuloy nila ito sa pamamagitan ng pag-imbita ng mga eksperto na manggagaling sa iba’t ibang sektor gaya ng simbahan, labor, academe, mga estudyante at personalidad na tutol sa death penalty na dito ay maaaring imbitahan din ang UN rapporteur.

Bagaman alam nila na tiyak makapapasa ay patuloy nilang lalabanan sa iba’t ibang paraan dahil sila ay naniniwala na labag sa kautusan ng Diyos ang parusang bitay.

TAGS: CBCP, CBCP-Episcopal Commission on Pastoral Care, Death Penalty, Pangulong Duterte, political allies, CBCP, CBCP-Episcopal Commission on Pastoral Care, Death Penalty, Pangulong Duterte, political allies

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.