Magnitude 3.7 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 187 kilometers Southeast ng bayan ng Sarangani, alas-8:20 umaga ng Martes (July 30).

May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...