Mag-asawa, 4 na iba pa arestado sa buy-bust sa Makati

By Dona Dominguez-Cargullo July 30, 2019 - 07:51 AM

Arestado ang mag-asawa at apat na iba pa sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Makati City.

Ikinasa ang operasyon sa isang junk shop Barangay Southside, Lunes (July 29) ng gabi.

Nakumpiska sa mga suspek ang 70 sachet ng hinihinalang shabu na aabot sa P33,000 ang street value at isang baril.

Napag-alaman pa ng mga pulis na ang may-ari ng junk shop at ang isang tauhan nito ay nasangkot sa kasong rape noong Hunyo.

Sinabi ni Police Maj. Gideon Ines ng Makati City police, modus ng mga suspek ang maglagay ng pampahilo at saka isasakay sa van ang biktima.

Nagtungo naman sa himpilan ng pulisya ang 16 anyos na biktima at kinumpirmang ang dalawa sa mga naaresto ang gumahasa sa kaniya.

TAGS: arrested, buy bust operation, Makati, arrested, buy bust operation, Makati

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.