Karinderya at boarding house nasunog sa Pasig City

Tinupok ng apoy ang isang karinderya at boarding house sa bahagi ng Barangay San Antonio sa Pasig City.

Nagsimula ang sunog ala 1:42 ng madaling araw, July 30 sa Escriva Drive.

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), sa karinderya nag-umpisa ang apoy matapos na magliyab ang LPG tank nito.

Nadamay naman sa sunog ang katabing boarding house.

Umabot sa 2nd alarm ang sunog bago naapula alas 2:15 ng madaling araw.

Inaalam pa kung magkano ang halaga ng mga ari-ariang nasunog.

Read more...