Malaking bahagi ng Luzon uulanin dahil sa Habagat

By Dona Dominguez-Cargullo July 30, 2019 - 06:08 AM

Malaking bahagi ng Luzon ang makararanas ng pag-ulan ngayong araw dahil sa epekto ng Habagat.

Sa weather forecast ng PAGASA, uulanin dahil sa Habagat ang mga lalawigan ng Pangasinan, Bataan at Zambales.

Babala ng PAGASA, maaring magdulot ng flash floods o landslides ang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan na mararanasan.

Ang Metro Manila, MIMAROPA, La Union, Benguet, Cavite, Batangas at nalalabi pang bahagi ng Central Luzon ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil din sa Habagat.

Ang nalalabi namang bahagi ng bansa ay makararanas lang ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na isolated na pag-ulan.

Nakalabas na ng bansa ang Low Pressure Area na binabantayan ng PAGASA.

TAGS: habagat, Luzon, monsoon rains, Pagasa, weather, habagat, Luzon, monsoon rains, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.