Mahigit P1M halaga ng marijuana nasabat sa Quezon City

File photo

Nasa walo hanggang sampung kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon ang nakumpiska sa isinagawang follow-up operation ng PDEA – Cordillera Administrative Region (CAR) sa Quezon City.

Nakuha ang mga marijuana sa isang garahe ng pampasaherong bus sa E. Rodriguez.

Ayon sa PDEA – CAR, tinawagan sila ng bus company upang ipaalam ang nakita sa bag.

Noong July 21, pitong kabataan edad 19 pataas ang nahuli sa Ifugao makaraang makuhaan ng tig-iisang bag ng marijuana.

Anim na bag lang ang nakuha sa operasyon laban sa pitong kabataan gayong pitong bag ang impormasyong natanggap nila.

Naniniwala ang PDEA na ang nakuhang bag ng marijuana sa Quezon City ang nawawalang bag na kanilang hinahanap.

Nakatakdang dalhin pa-Ifugao ang nakuhang marijuana.

Ipinanawagan ngayon ng PDEA sa mga establisyimento na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad dahil malaki ang tulong nito para masawata ang mga krimen.

 

Read more...