8-anyos na bata patay matapos itulak sa paparating na tren

By Rhommel Balasbas July 30, 2019 - 04:41 AM

AP photo

Nasawi ang isang walong taong na gulang na batang lalaki makaraang itulak sa paparating na tren sa Frankfurt main station Germany, araw ng Lunes.

Isang 40-anyos na Eritrean man ang naarestoo sa pag-atake.

Ayon sa mga saksi, sapilitang itinulak ng suspek ang bata at ang kanyang ina sa riles bago magtangkang tumakas.

Sinubukan pa ng suspek na manulak ng isa pa ngunit nabigo ito.

“The boy and his mother were pushed in front of an arriving train. The mother was able to save herself,” ayon sa spokesperson ng local police.

Nakaligtas naman ang ina ng bata na ginagamot ngayon sa ospital.

Naglunsad na ng murder inquiry ang mga pulis.

Hindi naman naniniwala ang mga awtoridad na kilala ng suspek ang mga biktima at inaalam pa ang motibo nito sa kanyang pag-atake.

Dahil sa insidente, maagang tinapos ni Interior Minister Horst Seehofer ang kanyang summer holiday upang pulungin ang security officials ngayong araw ng Martes.

Kinondena ng opisyal ang pag-atake at pinayuhan ang publiko na huwag muna gumawa ng ispekulasyon hangga’t hindi pa nalalaman ang katotohan sa likod nito.

 

TAGS: bata, Germany, itinulak, tren, bata, Germany, itinulak, tren

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.