Duque, itinanggi ang mga akusasyon ni Lacson

By Rhommel Balasbas July 30, 2019 - 04:47 AM

Itinanggi ni Health Sec. Francisco Duque III na may kaugnayan siya sa mga kontratang nakuha sa gobyerno ng medicine firm na pagmamay-ari mismo ng kanyang pamilya.

Ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na nakakuha ang Doctors Pharmaceutical Inc. (DPI) ng pamilya Duque ng milyun-milyong kontrata para magsuplay ng gamot sa mga pampublikong ospital.

Ayon kay Duque, taong 2006 pa lang ay nag-divest na siya sa kumpanya kaya’t walang ‘conflict of interest’.

Paliwanag ni Duque, sa ilalim ng batas, kailangang mag-divest ang secretary of health sa kumpanyang mayroon itong shares.

Sinabi pa ni Duque na noong April at August 2017 kung kailan nakakuha ang DPI ng kontrata sa goberno ay hindi pa siya naitatalaga muli bilang health secretary.

Iginiit ng kalihim na pawang ispekulasyon lamang ang ibinabato sa kanya.

Tiniyak naman ni Duque na handa siyang sagutin ang lahat ng isyu nang naaayon sa katotohanan.

Inirerespeto naman ni Duque ang mga katanungan at opinyon ni Lacson at sinabing gusto lamang ng senador ng malinis na gobyerno.

 

TAGS: conflict of interest, divest, Doctors Pharmaceutical Inc., Health Sec. Francisco Duque III, itinanggi, kontrata, Sen. Panfilo Lacson, supply ng gamot, conflict of interest, divest, Doctors Pharmaceutical Inc., Health Sec. Francisco Duque III, itinanggi, kontrata, Sen. Panfilo Lacson, supply ng gamot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.