Tiyuhin na sumaksak sa pamangkin patay matapos mang-agaw ng baril ng pulis sa Maynila

By Len Montaño July 30, 2019 - 03:44 AM

Manila Police District photo

Patay ang isang 51 anyos na lalaki na sumaksak sa kanyang pamangkin matapos umano itong mang-agaw ng baril ng pulis sa Maynila araw ng Lunes.

Una rito ay inaresto si Edmundo Perucho matapos nitong saksakin ng 11 beses ang 4 anyos na pamangkin na si Lanz Genesis dela Cruz.

Ayon sa Manila Police District, naglalaro sa labas ng kanilang bahay ang bata malapit sa Gate 10 ng Parola Compound ala 1:00 Lunes ng hapon pagkatapos ay pumasok ito sa bahay ng suspek makalipas ang ilang minuto.

Isang saksi ang nakakita sa anyay lasing na si Perucho dakong 1:40 ng hapon na may hawak na kutsilyo at sumisigaw ng: “Patayin niyo na ako. Pumatay ako ng bata.”

Isa pang saksi ang pumasok sa bahay ng suspek at nakita ang duguang bata na nasa sahig.

Dinala ang bata sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center pero idineklara itong dead on arrival alas 2:00 ng hapon.

Samantala, ang suspek na si Perucho ay inaresto ng mga tauhan ng MPD Police Station 2 sa Santa Cruz.

Bago saksakin ang bata ay nakipag-inuman ang suspek sa ama ng biktima.

Nagsumbong ang suspek na niloloko umano siya ng ate ng ama ng bata at inakusahan ang pamilya na kinukunsinti ang umanoy pagtataksil nito.

Pero bago maghatinggabi ng Martes ay iniulat ng MPD na nasawi si Perucho matapos umano itong mang-agaw ng baril habang nasa Homicide Section.

Ayon sa pulisya, nagpaalam ang suspek na magbabanyo kaya tinanggal ang posas nito pero nang-agaw umano ng baril si Perucho habang nasa kustodiya ng MPD Police Station 2 sa Moriones, Tondo.

Manila Police District photo

TAGS: dead on arrival, Edmundo Perucho, Lanz Genesis dela Cruz, lasing, Manila Police District, Maynila, nang-agaw ng baril, pamangkin, patay sa saksak, tiyuhin, dead on arrival, Edmundo Perucho, Lanz Genesis dela Cruz, lasing, Manila Police District, Maynila, nang-agaw ng baril, pamangkin, patay sa saksak, tiyuhin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.