‘How to be you Anne?’ Anne Curtis, Park Bo Gum, nagpalitan muli ng tweets

Pinag-usapan na naman sa Twitter ang aktres at ‘It’s Showtime’ host na si Anne Curtis Lunes ng hapon makaraang makapalitan muli ng tweets ang Korean star na si Park Bo Gum.

Sa isang tweet noong July 28, Linggo, ibinahagi ni Anne ang picture kasama ang standee ni Bo Gum sa Seoul, South Korea.


Lunes ng hapon ay nag-reply ang Korean star kay Anne at tinanong kung kailan ito dumating sa Korea.

Mensahe ni Bo Gum kay Anne, maging maganda sana ang bakasyon nito sa kanyang bansa sa kahit may kainitan ang panahon.


Noong nakaraang buwan ay bumisita sa Pilipinas si Bo Gum para sa isang fan meet sa SM Mall of Asia Arena na mismong si Anne ang nag-host.

Hindi naman maiwasan ng Pinoy fans ni Bo Gum na mainggit kay Anne at ilan ay nagsabing napakaswerte nito.

Marami rin ang umaasang magkakaroon ng pelikula sina Bo Gum at Anne.

Noong Abril, una nang pinag-usapan ang dalawa dahil pa rin sa pagreply ng Korean star sa Pinay actress sa Twitter.

Sumikat si Bo Gum sa South Korea dahil sa mga seryeng ‘Reply 1988’ at ‘Love in the Moonlight’ taong 2015 at 2016.

Ang aktor ang pinakabatang artist na naitanghal bilang Actor of the Year ng Gallup Korea.

Si Bo Gum din ang torchbearer ng South Korea sa 2018 Winter Olympics.

Samantala, isang TV series na naman ni Bo Gum na may pamagat na ‘Encounter’ ang ipalalabas sa ABS-CBN ngayong Agosto.

 

Read more...