San Miguel bumangon sa tambak na 29 pts; 2-0 na sa semis kontra Rain or Shine

PBA Images

Bumangon ang San Miguel mula sa pagka-tambak na 29 points at ginulat ang Rain or Shine sa 117-105 win sa Game 2 ng kanilang semi-finals series sa PBA Commissioner’s Cup.

Dahil sa 2-0 lead, isang panalo na lamang at balik-finals uli ang Beermen.

Sumiklab si Chris Ross sa ginawa nitong 32 points kabilang ang sampung 3 points shots.

Ikinagulat ni SMB coach Leo Austria ang laro dahil lamang ang kalaban ng 29 points pero nakahabol sila, lumamang pa at tuluyang nanalo.

Tumulong kay Ross ang teammates na si June Mar Fajardo at ang import na si Chris McCullough na parehong nagtala ng double-doubles.

Pinangunahan naman ng import na si Carl Montgomery ang Painters sa ginawa nitong 24 points at 15 rebounds.

Target ng San Miguel ang sweep sa Game 3 laban sa Rain or Shine sa Miyerkules.

 

Read more...