2 hanggang 4 na bagyo papasok sa bansa sa Agosto

By Rhommel Balasbas July 30, 2019 - 02:16 AM

File photo

Dalawa hanggang apat na bagyo ang papasok sa bansa sa darating na Agosto na posibleng magdala na ng kinakailangang dami ng tubig-ulan para sa Angat Dam.

Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, Northern Luzon ang kadalasang tinatahak ng mga bagyo tuwing Agosto.

Nauna nang sinabi ni PAGASA climate monitoring and prediction section chief Ana Liza Solis na inaasahan ang ‘near to above normal’ rainfall sa malaking bahagi ng bansa sa Agosto.

Kahapon, nasa 163.34 meters ang tubig sa Angat Dam, mas mataas nang kaunti sa 162.4 meters na naitala noong Linggo.

Kailangang bumalik sa 180-meter level ang antas ng tubig sa Angat Dam upang maibalik ang normal na alokasyon para sa mga residente sa Metro Manila.

Samantala, lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa Kanluran ng Dagupan, Pangasinan.

Inaasahan nang tutungo sa China o Vietnam ang nasabing sama ng panahon.

Sa ngayon, apektado ng southwest monsoon o Habagat ang Kanlurang bahagi ng bansa.

Makararanas ng makulimlim na papawirin na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan  sa Central Luzon, Southern Luzon, Metro Manila at buong Visayas.

Sa Batanes at Zambales ay may paminsan-minsang malalakas na pag-ulan dahil pa rin sa Habagat.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa ay maalinsangan ang panahon ay maliban na lamang sa mga pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

 

TAGS: Agosto, Angat Dam, Bagyo, climate monitoring and prediction section, habagat, localized thunderstorms, LPA, near to above normal rainfall, northern luzon, Pagasa, PAR, Agosto, Angat Dam, Bagyo, climate monitoring and prediction section, habagat, localized thunderstorms, LPA, near to above normal rainfall, northern luzon, Pagasa, PAR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.