Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo epektibo na ngayong umaga

Epektibo na alas-6:00 ngayong umaga ng Martes, July 30 ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

May bawas na P0.95 sa kada litro ng gasolina ang mga kumpanya ng langis ngayong araw.

Noong Linggo, una nang nagpatupad ng P1 rollback sa gasolina ang Phoenix Petroleum at Cleanfuel.

Samantala, ang presyo ng diesel naman ay madaragdagan ng P0.15 kada litro.

P0.10 naman ang itataas sa presyo ng kada litro ng kerosene o gaas ng Shell, Caltex, Petron, Flying V at Seaoil.

 

Read more...