Anak nina Marian at Dingdong na si Ziggy bininyagan na

Marian Rivera FB photo

Star-studded ang binyag ng pangalawang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Jose Sixto Dantes IV o Baby Ziggy.

Bininyagan si Baby Ziggy araw ng Linggo sa isang simbahan sa Makati City na isinagawa ni Father Tito Caluag.

Tatlumput-isa ang ninong ni Ziggy habang 13 naman ang ninang nito.

Kabilang sa mga celebrities na ninong at ninang ng bata sina Paolo Contis, Boobay, Direk Dominic Zapanta, Celeste Tuviera habang ang iba ay mga kapatid na ni Dingdong.

Dekada 80 ang naging theme ng reception na ginawa sa Bonifacio Global City.

Ang okasyon ay nagsilbi na ring advance birthday celebration ni Daddy Dingdong.

 

Read more...