9 sibilyan, 4 iba pa patay sa pag-atake ng BIFF sa North Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo December 25, 2015 - 07:41 PM

pigcawayan n cotNasawi ang siyam na sibilyan matapos ang serye ng pag-atake ng pinaniniwalaang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Central Mindanao.

Maliban sa nasawing siyam na sibilyan, patay din ang apat na miyembro ng BIFF at isang barangay kagawad na si Robert Latosa.

Si Latosa ay nasawi matapos na hagisan umano ng grupo mula sa BIFF faction na pinamumunuan ng isang Commander Abonawas ang loob ng kaniyang tindahan sa Barangay Simsiman, Pigcawayan, North Cotabato.

Ayon kay Superintendent Bernard Tayong, tagapagsalita ng Cotabato Police Provincial Office (CPPO), matapos ang pag-atake sa nasabing tindahan, sinunog pa ng mga rebelde ang tindahan at tinangay ang bag ng asawa ni latosa na naglalaman ng cash na P40, 000.

Ang parehong paksyon din ng BIFF ang gumamit sa mga residente bilang human shield laban sa mga sundalo sa Barangay Simsiman. Ang nasabign mga reisdente ay dumadalo noon ng Misa de Gallo sa kanilang chapel.

Inatake din ng BIFF ang isang CAFGU detachment sa Barangay Dapiawan, Datu Salibu, sa Maguindanao.

Dahil sa nasabing serye ng mga pag-atake ng BIFF, patuloy ang operasyon ng 33rd Infantry Battalion sa Datu Abdullah Sangki sa Maguindanao ngayong araw ng Pasko.

May mga balita din kasing aatakihin ng BIFF ang Christian-dominated communities sa lugar.

Noong Huwebes, limang magsasaka na maglalagay lamang ng pesticides sa kanilang tanim na palay ang inatake rin at napatay ng mga BIFF members.

TAGS: pigcawayan north cotabato, pigcawayan north cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.