Mga korte, inatasan ng Korte Suprema na isumite ang lahat ng kasong may kaugnayan sa PCSO
Inutusan ng Korte Suprema ang lahat ng trial court judges sa bansa na ibigay ang mga naitalang kaso na may kinalaman sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon kay Court Administrator Jose Midas Marquez, dapat maisumite ang mga dokumento na naitala mula Enero 2017 hanggang sa kasalukuyan.
Ang naturang imbentaryo aniya ay kailangan dahil sa alegasyon ng kurapsyon sa nasabing ahensya.
Ipinag-utos na rin ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang diumano’y anomalya sa ahensya.
Matatandaan na noong nakaraang linggo ay ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil ng operasyon ng PCSO dahil sa malaking korapsyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.