Mga e-trike, maaari na muling gamitin sa Maynila

By Clarize Austria July 29, 2019 - 07:32 PM

MANILA PIO PHOTO

Inalis na ni Mayor Isko Moreno ang ban sa mga e-tricycle sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay makaraang ipagbawal sa mga lansangan noong nakaraang Martes.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, papayagang bumiyahe ang e-trikes kung sasailalim sila sa pamumuno ng gobyerno.

Maaari aniyang tumawid ang mga e-trike sa mga kalsada ngunit hindi pwedeng pumasada sa mga main road sa lungsod.

Bukod dito, nararapat ding kumuha ng insurance para sa kapakanan ng mga pasahero kung sakaling magkaroon man ng aksidente.

Pag-aaralan naman ang pagbuo ng isang organisasyon para sa lahat ng mga e-trike sa lungsod.

Matatandaang nagpatupad ng ban sa mga e-tricycle noong nakaraang linggo ni Moreno matapos ang naging dayalogo kasama ang MMDA at Metro Manila Mayors.

Patuloy pa rin ang pag-aaral ng pamahalaan para alamin kung anong uri ng sasakyan ang e-tricycles.

TAGS: E tricycle, manila, Mayor Isko Moreno, E tricycle, manila, Mayor Isko Moreno

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.