Isyu ng PCSO, pinareresolba kay Pangulong Duterte ni Rep. Teves

By Erwin Aguilon July 29, 2019 - 07:29 PM

Hinimok ni Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves si Pangulong Rodrigo Duterte na kaagad resolbahin ang isyu sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Teves, dapat aniyang sibakin na kaagad ang mga dapat sibakin gayundin palitan na ang mga kinakailangang palitan at ayusin ang magulong polisiya ng ahensya.

Ito aniya ay upang makatrabaho na ang mga kubrador na umaasa sa kita kada araw sa small town lottery (STL).

Paliwanag ng mambabatas, dahil sa kagagawan ng iilan, nakasalalay ang kabuhayan ng mga kubrador na ang kita lamang sa pagpapataya ang inaasahan upang mabuhay araw araw.

Kinatigan naman ni Teves ang ginawa ng pangulo na pagpapahinto sa PCSO operation upang malinis ito sa korapsyon.

TAGS: korapsyon, pcso, Rep. Arnulfo Teves, Rodrigo Duterte, korapsyon, pcso, Rep. Arnulfo Teves, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.