Mga gusali at bahay sa Batanes, pinasusunod ni Pangulong Duterte sa building code

By Chona Yu July 29, 2019 - 07:27 PM

Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa local government units na nasusunod ang building code sa gagawing rehabilitasyon sa mga gusali at bahay sa Natanes na nasira matapos ang malakas na lindol.

Ayon sa pangulo, kinakailangang maiakma sa kasalukuyang panahon ang standard ng mga aayusing tahanan.

Una rito, sinabi ni Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) chairman Eduardo del Rosario na halos nasa limang dekada na ang binilang ng mga nawasak na kabahayan sa lalawigan at hindi na updated sa itinatakda ng building code.

Ayon pa kay del Rosario, Spanish time pa itinayo ang mga bahay at gusali sa Batanes.

Ayon sa pangulo, gagawin ng pamahalaan sa ilalim ng kaniyang panunungkulan ang dapat na gawing rekonstruksiyon sa mga nasirang kabahayan habang pinatitiyak din nito na dapat ay makakayanan ang malalakas na lindol sa ikakasang house reconstruction.

Ang makikinabang aniya dito ay ang mga susunod na henerasyon at ngayon na aniya ang tamang oras upang gawin ang pagpapalakas sa tahanan ng mga taga-Batanes.

Bukod aniya sa sadyang may kalumaan na ang mga nasirang bahay, napag-alamang walang lamang mga bakal ang mga ito na mahalaga sanang sangkap upang mas maging matibay ang pagkakatayo ng mga ito.

Nagbiro rin ang pangulo na magpatayo ng subdivision sa Batanes para sa mga magagandang residente.

TAGS: batanes, building code, lindol, Pangulong Rodrigo Duterte, batanes, building code, lindol, Pangulong Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.