Sen. Nancy Binay, pabor sa privatization ng PCSO

By Jan Escosio July 29, 2019 - 07:32 PM

Kuha ni Jan Escosio

Inihayag ni Senator Nancy Binay na mas makakabuti kung hahayaan na lang ng gobyerno na ang pribadong sektor ang mag-operate ng lotto at casinos at kolektahin na lang ang mga kita.

Dagdag pa nito, ang kita ay diretso rin dapat na mai-remit sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para pondohan ang social services programs ng gobyerno.

Sabi pa ni Binay sa ganitong paraan ay maiiwasan ang maling paggamit ng pondo na inalaan para sa mga mahihirap na Filipino.

Samantala, nilinaw naman ni Sen. Christopher “Bong” Go na walang tinukoy si Pangulong Duterte na mga sangkot sa katiwalian.

Sinabi nito na ang nakitang mali ay sa mga kontratang pinasok ng PCSO kung saan hindi naireremit sa gobyerno ang dapat mai-remit dahil sa subcontracting bunga ng mga utang na hindi nababayaran.

Tiniyak nito na may mga mananagot sa nadiskubreng anomalya kung may sapat din naman na basehan.

TAGS: Casino, Lotto, pcso, Sen. Nancy Binay, Casino, Lotto, pcso, Sen. Nancy Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.