Rep. Salceda nakukulangan sa mga earthquake drill ng pamahalaan

By Erwin Aguilon July 29, 2019 - 07:17 PM

Kuha ni Jan Escosio

Hindi pa rin sapat para kay Albay Rep. Joey Salceda ang mga isinasagawang earthquake drill bilang paghahanda sa malalakas pang lindol tulad ng ‘The Big One.’

Ayon kay Salceda, kahit pa quarterly o gawin mang kada buwan ang earthquake drill pero hindi naman naisasapuso ng mga tao, hindi rin ito makatutulong.

Kinakailangan aniyang magsimula at makasanayan ang paghahanda sa bawat pamilya at sasabayan ng pag-alalay ng gobyerno at iba’t ibang sektor.

Sinabi pa ng kongresista na mahalaga ring maitatag ang isang ahensya ng pamahalaan tulad ng isinusulong na pagbuo ng Department of Disaster Resilience (DDR) na walang tatrabahuin kundi pag-aralan ang mga delikadong lugar sa bansa at kung paano maiiwasang magkaroon ng malaking pinsala sakaling tumama man ang malakas na lindol at iba pang sakuna.

Importanteng aspeto rin umano na maibigay sa mga biktima ang agarang tulong upang hindi na madagdagan ang mga namamatay.

Sa ngayon ay nasa 1st reading na ang House Bill 30 o ang pagbuo ng DDR at umaasa si Salceda na ngayong 18th Congress ay mapagtitibay na ng Senado ang counterpart measure nito.

TAGS: earthquake drill, lindol, Rep JOey Salceda, earthquake drill, lindol, Rep JOey Salceda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.