‘Healthy debate’ sa Kamara sa usapin ng death penalty, tiniyak ni Speaker Cayetano

By Erwin Aguilon July 29, 2019 - 07:17 PM

Siniguro ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa publiko na magkakaroon ng “healthy debate” sa Kamara sa sandaling talakayin ang death penalty sa Mababang Kapulungan.

Ayon kay Cayetano, kahit maging pabor o tutol sa death penalty ang sinuman ay magkakaroon ng healthy debate sa Kamara dahil ang pagtutuunan lamang dito ay kung paano mapigilan ang krimen lalo na ang heinous crime sa bansa.

Paliwanag pa ng Speaker, kaya isinusulong ni Pangulong Dutere ang death penalty dahil sa patuloy na paglala ng problema ng droga sa bansa.

Dahil dito, kaya naniniwala umano ang pangulo sa parusang kamatayan dahil tuluy-tuloy pa rin ang droga at krimen bagamat nababawasan na nang malaki.

Ang death penalty din umano ay pinaniniwalaang makakapigil sa mga karumal-dumal na krimen subalit kung mawawala o mababawasan na umano ang krimen ay baka hindi na matuloy ang debate penalty.

Dapat din umanong isipin na ang death penalty ay dapat tumugon sa konteksto ng crime prevention at deterrence at hindi sa patungkol sa pagpatay lamang.

TAGS: Alan Peter Cayetano, Death Penalty, Droga, healthy debate, Kamara, krimen, Alan Peter Cayetano, Death Penalty, Droga, healthy debate, Kamara, krimen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.